24 Oras Podcast: South Korea subway arson, Encantadia Mira and Lira deaths, NCAP cable theft

24 Oras Podcast - A podcast by GMA Integrated News

Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Biyernes, June 27, 2025.


  • 7 patay, 6 kritikal nang mawalan ng preno at tumagilid ang sinasakyan nilang truck
  • Buntis, naglalako umano ng sensitibong video at litrato ng 3-anyos na anak at 14-anyos na kapatid
  • Australia, 'di pa pumapapayag o kinokonsidera ang pagkupkop kay ex-pres Duterte kung bigyan ito ng interim release
  • 3 nagnanakaw umano ng NCAP CCTV cable, arestado; mga ninakaw na kable, narekober sa junkshop
  • Apektado ang benta ng tawilis atbp hinango sa Taal Lake kung saan umano itinapon ang mga nawalang sabungero
  • Lalaking nagbebenta umano ng iligal na droga sa Facebook live, arestado; may 2 lalaking naaktuhang gumagamit sa kaniyang bahay
  • DOE sa liit ng rollback vs. big-time OPH: wala tayong control sa dahilan ng presyuhan
  • Klinika para sa mga beterano at retiradong sundalo, binuksan sa Fernando Airbase Hospital
  • Farmgate price ng baboy, nasa P250/kg; bumaba ang demand kaya nagmura
  • Hiniling ng Prosecution sa Senate Impeachment Court na simulan na ang paglilitis at tanggihan ang kahilingan ni VP Duterte na idismiss ang kaso
  • Pagtawid sa ilog ng ilang estudyante sa Mindanao, doble-dagok dahil sa pagtaas ng tubig
  • VP Duterte: walang isinumiteng application for interim release sa Australia ang defense team
  • Michael Sager, grateful sa friendship nila ni Emilio Daez; excited makasama siya atbp housemate sa GMA GALA
  • Ilang lugar sa bansa, uulanin ngayong weekend; may cloud cluster na posibleng maging LPA
  • Ombudsman Martires: 'di natin inaagaw sa kongreso ang "power to impeach"
  • Hulicam: bagon ng subway train sa South Korea, siniliban
  • Malacañang sa proteksyon ng DOJ sa mga ICC witness: 'di tayo 'direktang tumutulong sa ICC
  • Ilang bahagi ng Dagupan St., ginawa nang bahay; hydrant, ginamit na bilang hugasan at paliguan
  • Pagkamatay nina Cassandra, Mira, Lira atbp. dahil kay Mitena, heartbreaking sa Enca fans
  • Mala-VFA na kasunduan ng Phl at Canada, nakatakdang pirmahan
  • "24 Oras podcast", No. 1 sa news category at no. 2 across all categories sa Apple PH podcasts

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.